Ilang contact tracers, barangay response team at iba pang frontliner sa QC, nabakunahan na

Nabigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang nasa 1,770 private sector health professionals, contact tracers, barangay healthcare workers, at iba pang frontliner sa Quezon City.

Naturukan ng bakuna na gawa sa CoronaVac at AstraZeneca ang mga miyembro ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Disease Unit (CESU), Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS), at ilang tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

“To get our frontliners vaccinated is an achievement since this will provide them protection especially in the performance of their duties,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte at dagdag pa nito, “It is our responsibility to make sure that all of our healthcare workers including our support teams are safe from the virus.”

Target ng CHD na nabakunahan ang higit 6,000 frontliners kasama ang health care workers sa mga public at private clinics, diagnostic laboratories, at maging sa home-for-the-aged at rehabilitation centers.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni CESU Head Dr. Rolly Cruz na tumataas ang morale at performance ng mga frontliner.

“We are slowly gaining momentum in the vaccination of our team. As the head of CESU, I am more than glad and relieved because our team will be protected,” ani Cruz.

Makatutulong aniya ito upang maiwasan ang mga seryosong komplikasyon mula sa nakakahawang sakit.

Ibinahagi naman ni QC Task Force Vax to Normal Co-chair Joseph Juico na lahat ng empleyado at healthcare workers na kasama sa master list ng tatlong local government hospitals ay nakatanggap na ng unang dose ng CoronaVac and AstraZeneca.

“The vaccines of our hospital workers were timely as they face yet another surge in the number of cases,” saad ni Juico at aniya pa, “This is why it is important to have our medical workers vaccinated because they are continuously exposed to the risk of infection.”

Sa datos hanggang March 18, 2021 nasa 1,100 healthcare workers na ang nabakunahan sa Quezon City General Hospital, 488 sa Novaliches District Hospital, at 360 sa Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Nakatanggap na rin ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang 6,159 healthcare workers mula sa walong Level-1 hospitals at 11 Level-2 hospitals sa Quezon City, kapwa pampubliko at pribado.

Habang hinihintay ang biniling bakuna sa AstraZeneca at iba pang vaccine donations, inihahanda ng QC government ang vaccination sites at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa iba pang vaccine manufacturers para sa karagdagang suplay.

Read more...