Aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa 3,304

By Angellic Jordan March 23, 2021 - 02:45 PM

Karagdagang 705 ang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Martes ng tanghali (March 23), sumampa na sa 35,259 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 3,304 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 525 active cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 484 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 336 residente naman ang bagong gumaling at apat ang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 31,092 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 863 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.