Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,735,343 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 555,945.
Sumunod na rito ang Brazil na may 295,685 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 198,239 naman ang death toll sa Mexico habang 160,200 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 126,172
– Italy – 105,328
– Russia – 95,391
– France – 92,621
– Germany – 75,418
– Spain – 73,543
– Colombia – 62,148
– Iran – 61,877
– Argentina – 54,671
– South Africa – 52,196
– Peru – 50,339
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 124,300,060 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 100,271,694 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.