Hindi pabor si Manila Mayor Isko Moreno na tuluyan nang buwagin ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Pahayag ito ni Moreno sa kabila ng panawagan ni Senador Imee Marcos na buwagin na lamang ang IATF dahil sa hindi maayos na mga polisiya sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, galing lamang sa mga chitchat ang panawagan ng mga opisyal ng pamahalaan na buwagin ang IATF dahil hindi nila alam ang totoong sitwasyon sa grounds.
Hindi aniya makatutulong ang panawagan na pagbuwag sa IATF lalo’t nasa gitna ng pandemya ang bansa sa COVID-19.
Aminado si Mayor Isko na may mga pagkakataon na hindi magkasundo ang IATF at mga Metro Manila mayors, pero sa huli nagkakasundo sa pagpapatupad ng mga health protocols.
Payo pa ni Mayor Isko, huwag nang makisawsaw sa isyu paraa hindi mailigaw ang mga mayor sa pagpapatupad ng iisang polisiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.