Sen. Tito Sotto sang-ayon na lusawin na ang Inter-Agency Task Force
Kumbinsido si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang mga kapalpakan ng Inter-Agency Task Force ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya tila hindi umuusad ang pakikiharap ng bansa sa COVID-19.
Kasabay nito ang kanyang pagsang-ayon sa sinabi ni Senator Imee Marcos na dapat ay buwagin na ang IATF.
Sinundan din ni Sotto ang posisyon ni Marcos na dapat ang task force ay buuuin ng mga doktor at public health experts ng sa gayun ay alam nila ang mga dapat gawin.
Nilinaw naman ng senador na hindi niya nilalahat ang mga bumubuo ng IATF sa ngayon dahil marami rin sa mga ito ang may dedikasyon at talagang nagmamalasakit.
“If they contacted the medical profession as a whole, yung mga PMA, ang dami nating naririnig eh, ang dami kong nababasa at naririnig na mga doctor na maraming sinasabi na magaganda, na tama. Pero hindi ginagawa ng IATF o ng DOH. Ang problema kasi sa atin, pag hindi galing sa kanila ang idea, parang hindi nila gusto eh. Gusto nila galing sa kanila eh. Yan ang problema nila. Kaya lahat ng mga sina-suggest natin, hindi pinapakinggan,” diin pa ni Sotto.
Ngunit aniya, may kontribusyon din naman ang mamamayan sa paglobo muli ng COVID-19 cases dahil sa pagpapabaya at hindi na halos pagsunod sa minimum health protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.