Sen. de Lima nangangambang may epekto sa mga kaso ang pagtawag sa kanya na ‘bitch’

Nangangamba si Senator Leila de Lima na posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa kanyang kinahaharap na dalawang kaso ang pagtawag sa kanya na ‘bitch’ kamakailan ni Pangulong Duterte.

Aniya ang patuloy na panghihiya sa kanya ng Punong Ehekutibo ay maaring humantong sa ‘mistrial’ ng kanyang dalawang kaso.

“The President seems to be again telegraphing to the courts that the only acceptable verdict in her two remaining drug cases is conviction,” sabi pa ng senadora.

Naibasura na ang isa sa tatlong drug cases na ikinasa laban kay de Lima dahil sa kakulangan ng matitibay na ebidensiya at testimoniya.

Pagbabalik ni de Lima, noong 2016 ang mga paninira sa kanya ni Pangulong Duterte ay maikukunsidera ng ‘trial and conviction by publicity.’

Read more...