200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Golden Mosque Compound sa Quiapo Maynila.

100 bahay ang tinupok ng 5th alarm na sunog sa Golden Mosque Compound sa Quiapo Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 6:05 ng gabi, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa mga light material ang mga bahay na nasa likod lamang ng Golden Mosque.

Hindi naman na nadamay ang Mosque pero tinatayang 200 pamilya ang nawalan ng bahay at umaabot naman sa P2 milyon ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.

Hanggang sa ngayon inaalam pa rin ang sanhi ng sunog habang wala naman naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.

 

 

Read more...