LOOK: Mga lugar na na-lockdown sa Quezon City

Nasa 39 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa Quezon City.

Batay ito sa datos ng Quezon City government hanggang sa araw ng Lunes, March 22.

Mahigpit na binabantayan ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nilinaw naman ng QC government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia (simula March 9)
– No. 138 hanggang 178 Orchids Street and No. 153-165 Jasmin Street, Barangay Central (simula March 10)
– No. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas (simula March 10)
– Bahagi ng Ramos Compound, Barangay Unang Sigaw (simula March 10)
– No. 86 C. Benitez Street, Barangay San Martin de Porres (simula March 10)
– No. 18, 3rd Ave., Barangay BL Crame (simula March 10)
– No. 27 Mabituan Street, Barangay Masambong (simula March 11)
– No. 77 hanggang Block 2 Lot 7 Orchids Street, Freedom Park 3, Barangay Batasan Hills (simula March 11)
– Christ the King Mission Seminary, No. 101 E. Rodriguez Sr. Ave., Barangay Kristong Hari (simula March 12)
– Nos. 20 at 22 Antique Street, Barangay Ramon Magsaysay (simula March 12)
– No. 43-N Langka Street, Barangay Balingasa (simula March 12)
– No. 82 Mabituan St., Barangay Masambong (simula March 12)
– PhilQ Manpower Services, No. 16 Tulip St., Barangay Roxas (simula March 12)
– No. 41 Mendoza St., Barangay Paltok (simula March 13)
– Robina St., Barangay Bungad (simula March 13)
– Just Textile Finishing Corporation sa No. 101 Kaingin Rd, Barangay Apolonio Samson (company barracks) (simula March 14)
– No. 9 Batangas Street, Barangay San Antonio (simula March 15)
– No. 2 Bodino St., Barangay Paraiso (simula March 15)
– Block 12, Lot 1, 3, 5, 7, 9, 11, 13, 15 at Blocks 13 – 14, Sto. Niño Village, Chestnut Extension, Barangay Fairview (simula March 16)
– No. 8 Oxford St., Barangay E. Rodriguez (simula March 16)
– No. 241, 15th Ave., Barangay E. Rodriguez (simula March 16)
– No. 16 East Riverside, Barangay Paraiso (simula March 17)
– No. 116 Taurus St, Remarville Subd., Barangay Bagbag (simula March 17)
– Oriole Street mula No. 56 hanggang No. 179, Area 2 Sitio Veterans, Barangay Bagong Silangan (simula March 18)
– Dumayag Compound sa No. 100 Old Samson Road, Barangay Apolonio Samson (simula March 18)
– No. 118 Pacheco Compound, Katuparan Street corner Kalinisan Street, Barangay Commonwealth (simula March 18)
– No. 94 Iba Street, Barangay San Isidro Labrador (simula March 18)
– No. 169 Del Monte Ave., Barangay Manresa (simula March 18)
– No. 20 Pelaez Street, Barangay Villa Maria Clara (simula March 18)
– Bahagi ng No. 624 Interior, Bagbag Cemetery, Barangay Bagbag (simula March 19)
– No. 53 Matatag Compound, Barangay Pinyahan (simula March 19)
– Croma and Son’s General Merchandise, No. 976 A. Bonifacio, Barangay Balingasa (simula March 19)
– No. 95-A Silencio Street, Barangay Santol (simula March 19)
– Nos. 1 hanggang 5 Aguho St., Barangay Claro (simula March 19)
– Areas 2, 4 at 5, Barangay Escopa 1 (simula March 19)
– No. 24 Harvard St., Barangay Socorro (simula March 20)
– No. 88 Magnolia St., Barangay Roxas (simula March 20)
– Nos. 403 hanggang 441 Cadena de Amor St. at Azucena Street, Barangay Central (simula March 20)
– No. 44 at No. 56-57 BFD Compound, Barangay Central (simula March 20)

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Read more...