Mga dayuhan na may pekeng quarantine bookings, ipapa-deport – BI
May babala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan na mayroong pekeng quarantine bookings.
Inilabas ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang babala kasunod ng implementasyon ng the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) resolution na nagsususpinde sa pagbiyahe ng mga dayuhan papuntang Pilipinas.
“Only certain classes of foreign nationals will be allowed starting today, until April 21,” pahayag ni Morente at dagdag pa nito, “Despite this, we will still deport aliens who try to evade quarantine.”
Istrikto aniyang ipatutupad ang batas sa pagpapa-deport sa mga dayuhan na magsusumite ng pekeng quarantine bookings.
Magiging doble aniya ang kanilang paghihigpit upang matiyak na lehitimong quarantine bookings ang ibibigay ng mga dayuhan.
“Should foreign nationals be found to have faked their quarantine bookings, they may be referred by the Department of Tourism (DOT) back to the BI for the initiation of deportation proceedings, and they will also be blacklisted from the country,” ani Morente.
Pinapayagang makapasok sa Pilipinas ang mga Filipino at kanilang mga asawa at anak basta’t mayroon itong valid visa sa oras ng pagpasok ng bansa.
Pwede ring pumasok ang diplomats at mga miyembro ng international organizations, at kanilang dependents na may valid 9(e) visa o 47(a)2 visa, at foreign seafarers para sa crew change na may valid 9(c) visa.
Maaari ring makapasok ng bansa ang emergency at humanitarian cases.
Makakapasok din ang mga dayuhan na kabilang sa medical repatriation na inendorso ng Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA – OUMWA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) basta’t makakapagprisinta rin ng valid visa sa oras ng pagpasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.