COVID-19 ward ng Lipa Medix Medical Center sa Batangas, umabot na sa full capacity

Lipa Medix Medical Center Facebook photo

Umabot na sa full capacity ang COVID-19 Ward Units ng Lipa Medix Medical Center (LMMC) sa Batangas.

Ayon sa pamunuan ng ospital, sa ngayon, hindi muna sila makakatanggap ng COVID-19 related cases.

“Transferred patients from other institutions will be entertained after proper endorsement and coordination,” pahayag nito.

Dagdag pa nito, ang admission ay depende sa bed availability.

Humingi naman ang pamunuan ng LMMC ng kooperasyon at pang-unawa sa publiko.

Read more...