Overseas Filipinos na naka-recover sa COVID-19, pumalo na sa 9,700
May 15 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 22, nasa 15,985 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 89 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,238 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Siyam naman ang bagong gumaling kung kaya 9,700 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,047 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,882 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,217 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 891 naman ang kaso sa Americas at 2,995 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.