Marawi City Mayor Fahad Salic nakaligtas sa ambush

twitter.com/fahadusalic

Nakaligtas sa ambush ang Mayor ng Marawi city na si Fahad Salic at ang kanyang driver.

Pasado alas dos Sabado ng madaling araw nang pagbabarilin ng armadong lalaki ang kotseng sinasakyan ng alkalde malapit sa Pryce Plaza sa Masterson Avenue sa Cagayan de Oro City.

Tinamaan ng bala si Mayor Salic sa may pigi, kanang binti at sa may likuran habang ang driver niyang si Rayrudin Bunting ay nasugatan sa mukha bagaman pareho silang nasa mabuting kalagayan na sa ngayon.

Si Mayor Salic ang dating asawa ng aktres at ngayon ay senatorial candidate na si Alma Moreno. Ikinasal sila noong 2009 at naghiwalay taong 2014.

Read more...