Mga panukala para sa pagbili ng COVID-19 vaccine, dapat pag-aralang mabuti ng DOH
Ipinare-review ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa Department of Health (DOH) ang mga proposal sa polisiya para sa pagbili ng bakuna kontra sa COVID-19.
Ayon kay Quimbo, hangga’t ang mga kumpanya ay lehitimo dapat na payagan ang mga ito na makiisa sa vaccine program ng bansa.
Giit ng mambabatas, dapat pagbasehan ng DOH sa prioritization sa pagpili ng kumpanya para sa vaccine procurement ay risk assessment at hindi sa industry affiliation.
Paliwanag ng kongresista, hindi sapat ang P72.5 bilyon sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act at P10 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2 para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang 70 milyong Pilipino.
Mangangailangan pa aniya ng P140 bilyon para makuha ang vaccine target kaya ang donasyon mula sa mga pribadong kumpanya ay malaking tulong sa pamahalaan.
Ngayon aniya ang panahon na matindi ang pangangailangan para sa bayanihan at mahalagang ma-i-rollout ng malawakan ang vaccine program sa lalong madaling panahon.
Kasunod ito ng proposal ng DOH na alisin ang ilang industriya sa pagpasok sa tripartite vaccine procurement agreement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.