COMELEC natapos na ang pag-iimprenta ng mga balota sa May 9 elections
Natapos na ng Commission on Elections ang pagpapa-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa May 9, 2016 elections. Isang buwan pa bago ang halalan, sinabi ni Comelec Printing Committee Head Genevieve Guevarra na nakumpleto na nila ang pagpapalimbag sa 55,681,284 na balota biyernes pa ng umaga.
Malaking bilang rin ng balota ang naisalang na sa verification at kakaunti na lamang ang hindi pa idinadaan sa vote counting machines.
Ginagawa ang verification sa vcm para masiguro na walang erroro at tatanggapin ng makina ang balota. Inaasahan naman na makukumpleto ng poll body ang verification step sa April 20.
Matatandaang sa April 25 pa ang target ng Comelec pa matapos ang ballot printing pero nagawa nila ito ng mas maaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.