Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:28 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal.
Maaapektuhan din nito ang Nueva Ecija partikular sa Cuyapo at San Leonardo; Quezon sa Real, Mauban at Padre Burgos; Tarlac sa San Manuel, Anao at Moncada.
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.