Disqualification Case kay Senator Grace Poe pinal ng binasura ng Supreme Court

Grace PoePinal nang nagpasya ang Supreme Court na payagang makatakbo si Sen Grace Poe sa pagkapangulo ngayong darating na eleksyon. Ito ay makaraang ibasura ng SC sa boto pa ring 9-6 ang motion for reconsideration na inihain ng mga respondent sa kaso.

Sa 3-pahinang minute resolution ng SC na may petsang April 5, 2016, kasama sa ibinasura ay ang MR ng COMELEC at ng mga private respondent na sina Atty Estrella Elamparo, Antonio Contreras, Atty. Amado Valdez at Dating Senador Francisco Tatad.

Ayon sa SC, ang mga argumentong inilahad sa MR ay dati nang nadesisyunan ng hukuman sa naging desisyon nito noong March 8 kung saan idineklara nito na may grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang magdesisyon ito na kanselahin ang COC ni Poe.

Read more...