Disqualification Case kay Senator Grace Poe pinal ng binasura ng Supreme Court
Pinal nang nagpasya ang Supreme Court na payagang makatakbo si Sen Grace Poe sa pagkapangulo ngayong darating na eleksyon. Ito ay makaraang ibasura ng SC sa boto pa ring 9-6 ang motion for reconsideration na inihain ng mga respondent sa kaso.
Sa 3-pahinang minute resolution ng SC na may petsang April 5, 2016, kasama sa ibinasura ay ang MR ng COMELEC at ng mga private respondent na sina Atty Estrella Elamparo, Antonio Contreras, Atty. Amado Valdez at Dating Senador Francisco Tatad.
Ayon sa SC, ang mga argumentong inilahad sa MR ay dati nang nadesisyunan ng hukuman sa naging desisyon nito noong March 8 kung saan idineklara nito na may grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang magdesisyon ito na kanselahin ang COC ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.