‘NCR Plus’ checkpoints itinatag ng PNP sa MM, GCQ areas
Naglatag ang pambansang pulisya ng checkpoints sa ilang lugar na kabilang sa tinawag na ‘NCR Plus,’ kasama dito ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana nagpapatupad sila ng border control sa mga hangganan ng mga nabanggit na lugar, kung saan umiiral ang general community quarantine o GCQ.
“Ang outbreak region po actually ay nasa NCR. Minarapat ng national government na lakihan pa ‘yung spread ng boundary hanggang doon sa apat na provinces para merong containment,” sabi nito.
Sa ngayon tanging ang mga essential workers lang mula sa non-GCQ areas ang maaring pumasok sa GCQ areas at kinakailangan nilang magpakita ng dokumento na magpapatunay ng kanilang employment status.
“‘Yung boundaries ng ‘NCR plus’, doon sa strategic areas kung saan nandoon ‘yung boundary ilo-locate ‘yung checkpoint. Now outside the boundary meron din po ‘yung border control kung sino po ‘yung papasok sa ‘NCR plus’. So kung sila ay essential worker definitely sila ay papayagan pero kapag non-essential workers sasabihan lang po yung papasok na bumalik na po,” dagdag pa ng opisyal.
Limitado ang pagbiyahe sa loob lang ng kanya-kanyang lalawigan, ayon pa kay Usana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.