P0.35 price rollback sa diesel ipatutupad bukas (March 23)

By Angellic Jordan March 22, 2021 - 01:59 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, at Seaoil, may tapyas na P0.35 sa kada litro ng diesel habang walang pagbabago sa presyo ng gasolina.

P0.45 naman ang bawas sa bawat litro ng kerosene ng Shell at Seaoil.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Shell, Petro Gazz at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (March 23).

Dakong 8:01, Martes ng umaga naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price rollback, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price rollback, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.