Mga guro dapat itaas sa priority list ng vaccination rollout – Sen. Win Gatchalian
Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang National Task Force against COVID 19 na iangat sa priority list na mga babakunahan ang mga guro.
Pagsuporta ito ni Gatchalian sa panawagan ng may 33 organisasyon ng ibat-ibang grupo na mula sa B1 ay umakyat sa A4 ng priority list ang mga guro.
Sila ay dapat maihanay sa iba pang frontline personnel gaya ng mga nasa uniformed service at ang iba pang nasa itinuturing na essential sectors.
Sa ngayon kahanay ng mga guro ang mga social workers.
Pagdidiin ng senador, ang mga guro ay frontliners din at inilalagay nila sa panganib ang kanilang sariling kaligtasan para matiyak na nagpapatuloy ang pag-aaral ng 26 milyon estudyante.
Katuwiran pa ni Gatchalian, kapag nabakunahan ang mga guro mapapabilis ang pagbabalik ng tradisyunal na ‘face-to-face classes.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.