Suplay ng COVID-19 vaccines madadagdagan sa pagbibigay ng EUA sa Sputnik V

Ikinalugod ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang pagbibigay ng Food and Drug Administration o FDA ng emergency use authorization o EUA sa Sputnik V. 

Nangangahulugan, ayon kay Robes. ng dagdag na suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa para sa target na herd immunity.

Bukod dito,  aniya kinakitaan din ng magandang efficacy ang Sputnik V para sa mga senior citizen base sa pagtitiyak ni Russian Deputy Chief of Mission to the Philippines Vladlen Epifanov na mayroon efficacy rate ang Sputnik V ng hanggang 91.8% para sa mga nabakunahan na may edad 60 pataas.

Ang pahayag na ito ng Russian diplomat ay ginawa sa pagdinig ng House Committee on People’s Participation na pinamumunuan ni Robes.

“The results of the clinical trials phase 3 conducted last year showed a very high efficacy and safety. It has been recognized by the respectable British Lancet Medical journal. Those who have been vaccinated developed good immune response and the antibodies number is a 1.3-1.5 times higher than among those who recovered from this disease. Moreover, this vaccine does not have any significant side effects, allergic reaction or anaphylactic shock. The Russian vaccine was found to provide immunity for more aggressive strain like UK strain of COVID-19 vaccine,” sabi pa ni Epifanov.

Kasabay nito, umaasa si Robes na matutuloy din ang proposals na makapagpatayo ng sariling manufacturing hub ng bakuna sa Pilipinas.

Read more...