Tatlong dikit! COVID 19 cases muling nadagdagan ng higit 7,000

By Jan Escosio March 21, 2021 - 11:26 PM

Sa ikatlong sunod na araw, higit 7,000 COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health sa bansa.

Sa latest case bulletin ng kagawaran, nakapagtala ng 7,757 bagong kaso kayat sa kabuuan umaabot na sa 663,794 ang tinamaan ng sakit sa bansa.

Sa naturang bilang, 73, 072 ang aktibong kaso.

May 15,288 naman ang gumaling sa sakit kayat umakyat sa 577,754 ang COVID 19 survivors, samantalang 12,968 na ang namatay matapos naman madagdagan ng 39.

Simula noong Biyernes, lagpas 7,000 ang nadagdag sa bilang ng COVID 19 cases sa bansa at noong Sabado naitala ang pinakamalaking nadagdag sa isang araw sa bilang na 7,999.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.