Higit 2.3M Sinovac, AstraZeneca vaccines darating na, anunsiyo ni Sen. Bong Go

 

May mga darating pang Sinovac at AstraZeneca vaccines simula sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsiyo ni Sen. Christopher Go at aniya ang gobyerno ng China ay magbibigay pa ng karagdagang 400,000 doses ng Sinovac, bukod pa sa isang milyon na binili ng gobyerno.

Inaasahan din aniya ang pagdating pa ng 979,200 doses ng AstraaZeneca.

Ayon sa senador aabot sa 3.5 million doses at ito ay sapat na para bakunahan ang 1.7 milyong medical frontliners hanggang sa pagtatapos ng unang kalahati ng taon.

Binanggit din nito ang pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na makakakuha ng tatlong milyong doses ng Sputnik V ng Russia kapag naplantsa ang negosasyon matapos mabigyan na ito ng emergency use authorization ng FDA.

Read more...