Ayon kay Sotto ngayon nagpapatupad na naman ng lockdown sa ibat-ibang lugar dapat tiyakin ng gobyerno na hindi sisirit ang presyo ng mga bilihin kasabay nang pagdami
“Buhay na buhay na naman ang takot sa puso ng ating mga kababayan. Muli na naming bumalik sa kanilang mga ala-ala ang mga hirap at pasakit na kanilang hinarap noong umpisa ng pandemya. Ang mga Filipino kaya nilang magtiis pero hindi nila kayang magutom,” diin ni Sotto.
Kailangan aniya na matiyak at mapaniwala ng gobyerno na ito ay ‘on top of the situation’ at kaya nilang protektahan ang lahat laban sa mga mapagsamantala sa sitwasyon.
Dapat aniya siguraduhin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang pagbiyahe sa mga pagkain ay hindi maapektuhan ng mga checkpoint at kaya nilang mapanagot ang mga mapagsamantala.
Sinabi pa ni Sotto na kakayanin ng mga Filipino na magsakripisyo kung nakikita nila na ang mga programa ng gobyerno ay maasahan at epektibo.