Hindi pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin pinatitiyak ni Sen. Tito Sotto sa gobyerno

By Jan Escosio March 20, 2021 - 04:05 PM

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na dapat ay natuto na ang gobyerno sa leksyon na idinulot ng kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kasagsagan ng pandemya noong nakaraang taon.

Ayon kay Sotto ngayon nagpapatupad na naman ng lockdown sa ibat-ibang lugar dapat tiyakin ng gobyerno na hindi sisirit ang presyo ng mga bilihin kasabay nang pagdami

“Buhay na  buhay na naman ang takot sa puso ng ating mga kababayan. Muli na naming bumalik sa kanilang mga ala-ala ang mga hirap at pasakit na kanilang hinarap noong umpisa ng pandemya. Ang mga Filipino kaya nilang magtiis pero hindi nila kayang magutom,” diin ni Sotto.

Kailangan aniya na matiyak at mapaniwala ng gobyerno na ito ay ‘on top of the situation’ at kaya nilang protektahan ang lahat laban sa mga mapagsamantala sa sitwasyon.

Dapat aniya siguraduhin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang pagbiyahe sa mga pagkain ay hindi maapektuhan ng mga checkpoint at kaya nilang mapanagot ang mga mapagsamantala.

Sinabi pa ni Sotto na kakayanin ng mga Filipino na magsakripisyo  kung nakikita nila na ang mga programa ng gobyerno ay maasahan at epektibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.