P5M halaga ng ecstasy tablets nasamsam ng BOC, bebot nadakma

By Jan Escosio March 20, 2021 - 03:40 PM

BOC PHOTO

Libo-libong ectasy tablets na nagkakahalaga ng P5 milyon ang nakumpiska ng Bureau of Customs.

Sa inilabas na pahayag ng kawanihan, itinago ang ‘sex drugs’ sa orthopedic jelly shoes, led mirror, dust buster, hand mier at birdhouse display.

Nagmula sa Germany ang package at naipasok sa Pilipinas sa Port of Manila.

Tinataya na aabot sa P5.27 milyon ang halaga ng nasamsam na 3,100 tablets.

Sinabi ni Port of Manila District Collector Michael Angelo Vargas nagsagawa sila ng controlled delivery ng package sa  Dau, Mabalacat, Pampanga noong nakaraang Huwebes, Marso 18.

Isang Agatha Lavadia Palen ang kumuha ng package at nagprisinta ito ng authorization letter mula sa consignee na isang Zhyelle Marquez Ancheta, bago siya inaresto.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA si Palen at maaring maharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.