144 bagong kaso ng magkakaibang variants ng COVID 19 natukoy ng DOH
Nakapagtala ang DOH ng 114 bagong COVID 19 cases ng UK, South Africa at Philippines variants.
Sa naturang bilang, 46 ang infected ng UK variant, 62 ang taglay ang South Africa variant at anim ang tinamaan ng Philippines variant.
Sa kabuuan, umabot na sa 479 ang naitatalang kaso ng mga bagong variants ng nakakamatay na sakit sa bansa.
Una nang sinabi na ang UK variant at South Africa variant ay maituturing na ‘variants of concern’ dahil ang una ay madaling maipasa samantalang ang huli naman ay sinasabing mas lumalaban sa ‘antibodies.’
Taglay ng Philippines variant ang dalawang katangian ng UK at South Africa variants ngunit hindi pa maituturing na ‘variant of concern.’
“Current available data are insufficient to conclude whether the variant will have significant public health implications,” ayon sa DOH.
Marami sa mga kaso ng bagong variants ay naitala sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.