Bahay sa QC exclusive subdivision nasunog; lima na-trap, patay

PHOTO GRAB

Namatay ang limang miyembro ng isang pamilya, kabilang ang tatlong matanda, nang ma-trap sila sa nasusunog nilang bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Quezon City kaninang madaling araw.

Base sa mga paunang impormasyon, pag-aari ng isang pamilya Yu, ang natupok na bahay sa Corinthians Garden sa Barangay Ugong Norte at nagsimula ang insidente sa ikalawang palapag ng bahay dakong alas-2.

Ang mga nasawi ay may edad 57, 62, 65 at ang dalawa naman ay nasa 20 pataas ang edad.

Ilang miyembro ng pamilya ang nakatakas naman kasama ang kanilang mga kasambahay at driver.

Isinalarawan ni BFP QC operations chief, Fire CInsp. Joseph del Mundo ang bahay na may kalumaan na at walang water sprinkler.

Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy at ipinapalagay na aabot sa P60 milyon ang napinsalang ari-arian.

Read more...