Reporter na si Jun Lingcoran, pumanaw na

twitter.com/jundzmm

Pumanaw na ang isang batikang mamahayag na si Jun Lingcoran sa edad na 46, Biyernes ng hapon.

Si Lingcoran na 20 taon nagsilbi sa radyo bilang reporter ng DZMM ay isang taong nakipagbuno sa sakit na esophageal cancer.

Na-diagnose si Lingcoran ng cancer noong nakaraang taon at sumailaim sa iba’t ibang uri ng gamutan na naging sanhi ng paglabas-masok niya sa ospital.

Ilalagak ang mga labi ni Lingcoran sa Loyola Memorial Chapels sa EDSA Guadalupe.

 

Read more...