Pagbabalik sa ECQ o MECQ kokontrahin ng Metro Manila mayors
Hindi sang-ayon ang Metro Manila mayors sa pagpapairal muli ng enhanced community quarantine (ECQ) o kahit modified enhanced community quarantine (MECQ) sa capital region ng bansa.
Ito ang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin, ang namumuno sa Metro Manila Council, sa katuwiran na kailangan nang makabangon ang ekonomiya.
Aniya ilan sa mga alkalde ay nagpapatupad na ng isolated lockdowns, maging sa mga establismento.
“Hindi natin pwede isakripisyo ang buong siyudad. Pwede naman na isailalim sa isolated or granular lockdown ang isang barangay lang dahil kailangan natin na maka-recover sa ating ekonomiya,”sabi nito.
Kasabay nito, ibinahagi ni Olivarez na napagkasunduan ng 17 Metro Manila mayors na suspindihin ang lahat ng mga aktibidad sa Semana Santa dahil sa pagdami muli ng kaso ng COVID 19.
Binanggit nito na walang papayagan na prusisyon, maging ang tradisyunal na ‘Salubong’ sa Pasko ng Pagkabuhay para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.