Liga ng mga gobernardor pumalag sa pagbawi ng DOH ng mga bakuna sa mga probinsiya

By Jan Escosio March 20, 2021 - 12:45 PM

Tutol ang League of Provinces of the Phillipines (LPP) sa nais ni Health Secretary Francisco Duque III na pagbawi sa mga naipadalang bakuna sa mga lugar na hindi maituturing na ‘COVID 19 hotspots.’

Sinabi ni Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., ang pangulong LPP, hindi katanggap-tanggap sa mga LGUs ang nais ni Duque sa katuwiran na kailangan din nila ang bakuna.

Paliwanag pa ni Velasco maaring may mga lokal na pamahalaan ang may naitatago pang mga bakuna ngunit nakakatiyak siya na may plano na ang mga ito.

Maari aniya na ikinakasa nila ang vaccination rollout para kumbinsihin ang mamamayan nila na magtiwala sa bakuna.

Diin pa ng opisyal dapat ay isangguni muna ng gobyerno sa LGUs ang pagbawi o paghiram nila ng naideliver na bakuna at hindi dapat maging sapilitan ang gagawing hakbang.

Kahapon sinabi ni Duque na magkakaroon ng redeployment ng mga bakuna mula sa mga probinsiya at ibabalik ang mga ito sa Metro Manila, na nagkakaroon na naman ng paglobo ng COVID 19 cases.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.