Kalye, gusali at 12 pang barangay sa Maynila, isasailalim sa 4-day lockdown
Isinailalim ni Manila Mayor Isko Moreno sa apat na araw na lockdown ang isang kalye, gusali at 12 pang barangay sa lungsod.
Apektado ng street lockdown ang Barangay 353 – Kusang Loob St. Sta. Cruz habang clustering lockdown naman sa Barangay 658 – NYK Fil-Ship Management Bldg.
Narito naman ang mga barangay na isasailalim din sa lockdown:
– Barangay 107
– Barangay 147
– Barangay 256
– Barangay 262
– Barangay 297
– Barangay 350
– Barangay 385
– Barangay 513
– Barangay 519
– Barangay 624
– Barangay 696
– Barangay 831
Epektibo ang lockdown simula 12:01, Lunes ng madaling-araw (March 22), hanggang 11:59, Huwebes ng gabi (March 25).
Sa kasagsagan ng lockdown, ipagbabawal ang paglabas ng bahay maliban lamang sa mga health worker, pulis at sundalo, government employees, service workers, barangay officials at media practitioners na accredited ng PCOO at IATF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.