Sa mosyon na inihain ng grupong STOP and GO sa korte, inakusahan nila sina Abaya at Ginez ng pamba-balewala sa umiiral na temporary restrainng order nang payagan nila ang operasyon ng Bus Rapid Transport System.
Nakasaad kasi s utos ng QCRTC Brach 217 na ipatigil ang implementasyon ng Department Order No. 2015-11 ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na pumapayag sa operasyon ng mga makabagong transport system tulad ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) at Bus Rapid Transport.
Idinepensa ng mga abogado ng pamahalaan sa korte na hindi maaring kasuhan ng indirect contempt sina Abaya at Ginez dahil wala namang reklamo at isang mosyon lang naman ang inihain sa korte.
Ayon kay QCRTC Branch 84 Judge Luisito Cortez na naglabas ng desisyon, ang korte lamang ang maaring mag-kaso ng indirect contempt sa sinuman kung wala namang verirified petition.
Pinayuhan niya pa ang STOP and GO na dapat ay maghain sila ng petisyon para sa indirect contempt kaysa isang mosyon tulad ng kanilang ginawa.