17 pang overseas Filipinos, naka-recover sa COVID-19

By Angellic Jordan March 19, 2021 - 04:59 PM

May pitong bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 19, nasa 15,948 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 89 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,237 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

17 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,666 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

May isa namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,045 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,882 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,189 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 890 naman ang kaso sa Americas at 2,987 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.