White House, inilaan ang pondo sa Ebola para sa Zika virus

By Kathleen Betina Aenlle April 09, 2016 - 05:23 AM

zika virus2Mahigit kalahating bilyong  dolyar na noo’y pondo para sa Ebola virus ang inilipat at inilaan ng pamahalaan ng Estados Unidos para sa paghahanda kontra Zika virus bago pa man ito lumaganap sa kanilang bansa.

Ayon sa ulat ng USAtoday, kabuuang $589 million ang kukuhanin mula sa pondong una nang inilaan sa isa pang delikadong sakit na Ebola virus.

Nilinaw naman ni White House budget director Shaun Donovan na ang pagli-lipat ng pondo ay pandandalian lamang.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng White House na kakayanin nilang harapin ang sakaling paglaganap ng epidemya ng dalawang sakit sa Amerika.

Ayon naman kay Health and Human Services Director Sylvia Burwell, kailangang ipagpatuloy ang mga hakbang laban sa parehong sakit at walang ni isang dapat isaalang-alang para sa isa.

Pareho aniyang global public health crises ang Ebola at Zika at magkapantay dapat itong pagtuunan ng pansin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.