PNoy, tinawag na duwag ni Napeñas

By Kathleen Betina Aenlle April 09, 2016 - 05:22 AM

Napeñas-4Tinawag na duwag ng dating hepe ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na si Getulio Napeñas si Pangulong Benigno Aquino III.

Binanatan ni Napeñas ang aniya’y kawalan ng lakas ng loob ni Pangulong Aquino na akuin ang pagkakamali sa isinagawang “Oplan Exodus” sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na SAF noong nakaraang taon.

Ikinagalit ni Napeñas ang paghahabla sa kaniya dahil umano sa kaniyang kapalpakan bilang pinuno ng SAF, na nag-resulta rin sa pagkakatanggal ng kaniyang mga benepisyo.

Kinasuhan na kasi ng Ombudsman ng usurpation of powers at graft si Napeñas dahil sa umano’y hindi pagsunod sa chain of command.

Lumalabas kasing hindi siya nakipagugnayan sa noo’y acting police chief na si Leonardo Espina at dating Interior Sec. Mar Roxas, bagkus ay nakipag-usap pa siya sa suspendidong hepe ng PNP na si Alan Purisima.

Sumusunod lamang aniya siya sa mga utos ni Pangulong Aquino nang ipatupad niya ang time on target (TOT) coordnation.

Giit ni Napeñas, ipinasa lang ni Pangulong Aquino ang responsibilidad at ibinunton lahat ng pananagutan sa kaniya, kahit na siya naman ang may trabaho nito.

“Kung gagawa sila ng trabaho, they have to own it, hindi yung ipapasa ang responsibilidad sa ibang tao. Walang bayag. Even here, I have to tell the president himself, wala kang bayag!” ani Napeñas.

Ipinahayag ni Napeñas, na isang senatorial candidate, ang lahat ng kaniyang ngitngit kay Pangulong Aquino sa proclamation rally ni Quezon Rep. Danny Suarez na kapartido niya sa United Nationalist Alliance (UNA).

TAGS: Kathleen Betina Aenlle, Kathleen Betina Aenlle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.