BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 648,066; 7,103 ang bagong naitala
Lagpas 7,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (March 19), pumalo na sa 648,066 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 73,264 o 11.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 7,103 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw simula nang ideklara ang COVID-19 pandemic sa bansa.
93.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.3 porsyento ang asymptomatic; 0.59 porsyento ang moderate; 1.1 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 13 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,900 o 1.99 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 390 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 561,902 o 86.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.