Kritikal na puna sa administrasyong Duterte, delikado – SWS survey

By Jan Escosio March 19, 2021 - 02:35 PM

Anim sa bawat 10 Filipino ang naniniwala na ang anumang banat o kritisismo sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay lubhang delikado.

Base sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS), 65 porsiyento ang nagsabi na delikado ang anumang kritikal na pagpapahayag sa gobyerno kahit ang pahayag ay ang katotohanan.

Sa survey na may 1,500 respondents at isinagawa noong nakaraang Nobyembre 21 – 25, may 16 porsiyento ang hindi sang-ayon at 18 porsiyento ang walang naibigay na sagot.

Noong Hulyo 2020, 51 porsiyento lang ang nagsabi na delikado na banatan o punahin ang gobyerno.

Ngunit base rin sa naturang survey, 65 porsiyento ang naniniwala na maari nilang sabihin anuman ang kanilang naisin kahit kontra pa ito sa administrasyon.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, sws survey, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.