Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 2:01 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Pampanga, Laguna at Bataan.
Maaapektuhan din nito ang Zambales partikular sa Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, San Antonio, Subic at Castellijos.
Uulanin din ang Nueva Ecija sa Carranglan at Lupao; Bulacan sa San Rafael at Balagtas; Rizal sa Rodriguez at Antipolo; Quezon sa Tiaong at Tagkawayan; San Jose, Tarlac.
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.