Mga aktibidad sa Semana Santa sa Maynila, suspendido

Manila PIO photo

Sinuspinde ni Manila Mayor Isko Moreno ang Holy Week activities sa lungsod.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magsisimula ang Semana Santa sa Marso 29.

Kabilang sa mga aktibidad ang penitensya, Visita Iglesia, at caridad.

“Ang importante sa Semana Santa, ‘yung relasyon natin sa Diyos sa panahon kung saan siya nagbayad ng dugo para sa ating mga kasalanan. Magnilay-nilay tayo,” pahayag ni Mayor Isko.

Ayaw nang makipagsapalaran ni Mayor Isko lalo’t dagsa na ang mga pasyente sa anim na district hospital gaya ng Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Medical Center, Justice Abad Santos Memorial Medical Hospital, at Ospital ng Tondo.

“Mga kababayang nakikinig sa Maynila, itong anim na ospital ay nakakaranas na ng alarming rate sa kanilang occupancy. Sapagkat kahapon ng alas-dose ay umabot na po tayo sa 55% occupancy rate. Two months ago, nasa 27% to 32% ‘yan,” pahayag ng Mayor.

Read more...