Sen. Bong Go: Hindi ngayon ang oras ng sisihan, dapat magtulungan ang lahat
Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng pakikiisa sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng nakakamatay na sakit.
“Tulungan n’yo na lang po ang ating gobyerno. Ginagawa po ng gobyerno ang lahat. ‘Di po makakatulong ang paninisi, wala pong maidudulot na kabutihan ‘yan,” sabi nito.
Ayon pa sa senador pinagsusumikapan ng gobyerno na balansehin ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa at ang pampublikong kalusugan.
Kailangan lang din aniya na magkaroon ng disiplina ang lahat at sumunod sa lahat ng paalala ng gobyerno, partikular na ang pagtalima sa basic health protocols.
Binanggit nito ang mga ginagawang hakbang ng mga lokal na pamahalaan tulad ng localized lockdown, uniform curfews at pagbabawal sa mga edad 18 pababa at 65 pataas na lumabas ng kanilang bahay, na ang layon ay maiwasan pa ang pagdami ng mga may taglay ng corona virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.