Pagtawag sa kanya ng ‘bitch’ ni Pangulong Duterte, panglihis sa tunay na isyu sabi ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio March 19, 2021 - 01:20 PM

Binuweltahan ni Senator Leila de Lima si Pangulong Duterte sa pagtawag sa kanya nito ng ‘bitch.’

Ayon kay de Lima hindi niya mahanap na katuwiran ang tila panggigigil sa kanya ng Punong Ehekutibo, na sinabi pa na nagtataka siya at nagawa ng senadora na mapaniwala ang buong mundo na siya ay isang ‘prisoner of conscience.’

Ayon sa senadora sa kabila ng kakulangan at kapalpakan ng administrasyong-Duterte sa pagtugon sa pandemya dala ng COVID 19, naiisip pa siya ng pangulo ng bansa.

Hinanap na rin ni de Lima ang mga bakuna na napaglanaanan na ng bilyong-bilyong piso mula sa pag-utang sa mga international banks.

Sinabi na lang din nito na ang mga taong walang silbi ay gagamit na lang ng ibang tao para maitago ang sarili niyang kapalpakan.

TAGS: bitch, COVID-19, leila de lima, Rodrigo Duterte, vaccine, bitch, COVID-19, leila de lima, Rodrigo Duterte, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.