Suspek sa Paris at Belgium attacks, arestado

(Belgian Federal Police via AP)
(Belgian Federal Police via AP)

Isa pang suspek sa Paris attacks na hinihinalang may kinalaman rin sa pag-atake sa Brussels ang naaresto ng mga Belgian police.

Itinuturo si Mohamed Abrini na isa sa mga wanted na suspek dahil sa Paris attacks, at dahil sa masusing isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Belgium, posibleng siya rin ang isa pang suspek na pinaghahanap na may kaugnayan sa pagpapasabog sa Brussels.

Ayon sa Belgian broadcaster na VRT, hinihinalang si Abrini ang lalaking naka-sumbrero na kasama nina Najim Laachraoui at Brahim El Bakraoui sa isang CCTV footage sa paliparang kanila ring pinasabog.

Nahuli si Abrini sa Anderlecht, na malapit sa Molenbeek na sinasabing pinamumugaran ng mga terorista sa Belgium.

Naaresto rin ng mga pulis ang isa pang suspek na si Osama Kraiem, na sinasabing namataang kasama ni Khalid Bakraoui na pinasabog ang kaniyang sarili sa metro station sa Brussels.

Read more...