Mayor Isko nagpasalamat sa 1Sambayan

By Chona Yu March 19, 2021 - 11:15 AM

Manila PIO

Nagpapasalamat si Manila Mayor Isko Moreno sa 1Sambayan ni retired Supreme Court Justice Antonio Caprio sa pagkukunsidera sa kanya bilang isa sa mga kandidato na posibleng ibangga sa manok ng administrasyon sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Mayor Isko, isang malaking karangalan na maikunsidera siya ng grupo.

Pero ayon sa opisyal, hindi patas na pag-usapan ang pulitika lalo’t may kinakaharap pa na pandemya ang bansa sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko, walang puwang sa kanya ngayon ang pamumulitika.

Tiyak aniya na may tamang oras para pag-usapan ang pulitika.

Bukod kay Moreno, ikinukunsidenra rin ng 1Sambayan sina Vice President Leni Robredo, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, at dating Senador Antonio Trillanes.

TAGS: 1Sambayan, 2022 Presidential elections, antonio carpio, Isko Moreno, 1Sambayan, 2022 Presidential elections, antonio carpio, Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.