Nakuha si Rolando del Torchio, Biyernes ng alas 7:30 ng gabi habang pasakay ito sa M/V KC Beatrice na patungong Zamboanga City.
Dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital si Del Torchio dahil hindi masyadong maganda ang kalagayan ng kalusugan niya.
Naisakatuparan ito sa pinagsanib-pwersang operasyon ng Sulu Provincial Police Office na pinamumunuan ni Senior Supt. Wilfredo Cayat, Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Maritime Group, Anti-Kidnapping Group at Joint Task Force Sulu.
Magugunitang sinalakay ng apat na lalaki ang Ur Choice Bistro na Italian restaurant ni Del Torchio, kinaladkad siya palabas at saka isinakay sa isang pump boat palayo.