DepEd target ang 27M enrollees para sa SY 2021 – 2022

By Jan Escosio March 19, 2021 - 09:50 AM

FILE PHOTO

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na aabot sa 27 milyon ang magpapa-rehistro para sa School Year 2021 – 2022 sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon kay Education Undersecretary  Jess Mateo ang bilang ay malapit sa 27.7 milyon enrollees noong SY 2019 – 2020 o bago ang pagtama ng pandemya sa bansa.

Nabatid na ngayon taon higit isang milyon estudyante sa elementary at high school ang hindi nagpa-enroll kasabay nang pagkasa ng blended learning system.

At para matiyak na matatanggap ang mga nais magpa-enroll ngayon taon, magkakasa ang kagawaran ng Early Registration simula sa Marso 26 hanggang Abril 30.

Paliwanag ni Mateo kadalasan ay huling linggo ng Enero isinasagawa ang early registration ngunit dahil naurong ang SY 2020 – 2021 ay nausod din ito ng dalawang buwan.

Dagdag pa ng opisyal magpapatupad sila ng remote system sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) para sa proteksyon sa COVID 19.

TAGS: deped, Education Undersecretary  Jess Mateo, enrollees, deped, Education Undersecretary  Jess Mateo, enrollees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.