P13B OWWA fund iniipit, hindi magamit pang-uwi ng 500,000 OFWs

 

Pinagsabihan ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang Department of Budget na payagan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gamitin ang P13-billlion contingent fund ng ahensiya para makauwi ang daan-daan libong overseas Filipino workers (OFWs) na naipit ng pandemya sa ibat-ibang panig ng mundo.

Nakakadismaya, sabi ni Drilon, na iniipit ng DBM ang pondo para sa pagbuo ng mga bagong departamento ng gobyerno, kasama na ang Department of Overseas Filipino.

“That is not a very sound policy. We would prioritize first the creation of new departments and their funding rather that allocate the necessary to bring home our kababayans,” himutok ng senador.

Nangangailangan ang OWWA ng pondo para mapauwi ang halos kalahating milyong OFWs na lubhang naapektuhan ng pandemya at sabi ni Administrator Hans Cacdac hanggang sa susunod na buwan o Mayo na lang tatagal ang kanilang pondo kung hindi pagbibigyan ang kanilang kahilingan.

Read more...