Mga Pinoy na galing abroad, pwede ng umuwi ng Pilipinas

By Chona Yu March 19, 2021 - 08:58 AM

Binago ng National Task Force Against COVID-19 ang naunang memorandum kaugnay sa international travel restrictions.

Base sa Memorandum Circular No. 6 na may petsang March 18, 2021, maari ng pumasok sa bansa ang lahat ng Filipino citizens kabilang na ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Nakasaad pa sa memorandum na tanging ang mga foreign nationals ang bawal pumasok sa bansa mula Marso 22 hanggang Abril 21, 2021.

Una nang nilimitahan ng pamahalaan ang pagpasok ng mga international travelers dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Exempted naman sa travel restrictions ang mga diplomats at ang mga miyembro ng international organizations at ang kanilang mga dependents,  mga foreign nationals na kailangan ng medical repatriation; foreign seafarers na nasa ilalim ng “Green Lanes” program for crew change; at emergency humanitarian travel.

 

TAGS: COVID-19, ntf, travel restrictions, COVID-19, ntf, travel restrictions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.