Mga Katoliko na dumaan sa diborsyo at muling nagpakasal, bigyang konsiderasyon ayon sa Santo Papa
Nanawagan si Pope Francis sa mga Obispo at mga Pari sa buong mundo na maging mas maawain at bigyang konsiderasyon ang mga Katoliko na dumaan sa proseso ng diborsyo at muling umibig at nagpakasal.
Ayon sa Santo Papa, hindi dapat kondenahin ng habambuhay ang sinumang nagkasala.
Nakasaad ito sa 260-page na ‘treatise’ o artikulo na may titulong “Amoris Laetitia” (The Joy of Love) ng Santo Papa.
Sa nasabing pahayag, binanggit ni Pope Francis ang ilang quotes mula kina Martin Luther King, Argentine Poet Jorge Luis Borges at maging mula sa 1987 Danish cult film na Babette’s Feast.
Sa ilalim ng kasalukuyang Church teaching, hindi pwedeng tumanggap ng komunyon ang isang dumaan sa diborsyo at muling nagpakasal, maliban na lamang kung siya ay nag-abstain sa pakikipagtalik sa bagong asawa.
Kahit kasi nakipag-divorce sa dating asawa, itinuturing pa ring balido sa mata ng simbahan ang kanilang kasal.
Maari lamang tanggapin ang muling pagpapakasal ng isang katoliko kung ito ay dumaan sa church annulment.
“No one can be condemned forever, because that is not the logic of the Gospel! Here I am not speaking only of the divorced and remarried, but of everyone, in whatever situation they find themselves,” Ayon sa Santo Papa.
Hindi naman naglatag ng general rules si Pope Francis para sa mga katolikong nakipagdiborsyo at muling nagpakasal pero nanawagan ito ng pagiging responsable at pagkakaroon ng personal at pastoral discernment sa mga namumuno sa simbahan.
Sa usapin naman ng mga miyembro ng third sex, sinabi ni Pope Francis na dapat silang respetuhin, pero iginiit ang posisyon ng simbahan na hindi maaring payagan heterosexual marriage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.