Aniya, kailangang balansehin ang interes ng lahat ng mga apektadong sektor, partikular na ang mga negosyante at konsyumer.
Ginagawa aniya ito para matiyak ang seguridad sa pagkain sa gitna ng kinahaharap na pandemya ng bansa.
Ipinaalala ng senador na umiiral pa rin ang price ceiling sa karne ng baboy at manok para mapigilan ang anumang manipulasyon sa presyo.
Noong Lunes, March 15, hinimok ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na tapyasan ang taripa ng imported pork at sabayan pa ito ng pagdagdag sa maaring angkatin na karne.
MOST READ
LATEST STORIES